Anu-ano ang Mga Mabisang Mga Gamot sa Sugat ng Aso?

Ang balat ay ang nagsisilbing proteksyon ng aso laban sa bacteria o toxins na maaaring pumamasok sa katawan nila. Ngunit kung masugatan ang kanyang balat, maaring makapasok ang mga bacteria at iba pang mapanganib na mga organismo sa katawan ng iyong alaga at pwede itong magdulot ng impeksyon. Ano nga ba ang mabisang gamot sa sugat ng aso? Alamin natin sa artikulong ito!

Ano ang gamot sa sugat ng aso?

Ang mga alagang aso ay likas na malikot at mausisa kaya hindi maiwasang masugatan ito. Narito ang mga maaari mong gawin bilang first aid kapag masugatan ang iyong alaga:

  • Ang maayos na paghugas ng kanyang sugat sa inyong bahay ay talagang makakatulong upang mas mabilis na gumaling ang sugat. Ang maayos na paghugas sa sugat ay makatutulong upang maiwasan ang impeksyon.
  • Pagkatapos hugasan ang sugat, kumuha ng Betadine (PovineIodine) at ilagay ito sa maligamgam na tubig. Gamitin ito para sa huling banlaw ng sugat o ibabad dito ang bahagi na may sugat. Pwede rin itong gamitin sa unang beses na paghugas ng sugat.
  • Patuyuin ang sugat, huwag kuskusin ang mismong sugat ng aso. Sa halip, dahan-dahang punasan ang sugat upang maiwasan ang labis na sakit at pinsala.
  • Lagyan ng antibiotic cream ang sugat ng alaga, pwede ring gumamit ng protective gauze na pambalot sa sugat.

Mabisang gamot sa sugat ng aso

Matapos linisin ang sugat, lagyan ng isa o dalawang patak ng Lavender essential oil ang bulak at direktang ilagay sa sugat upang magsilbing disinfectant. Ang paglalagay tea tree oil ay maaring maging sanhi ng pagkalason sa alagang aso kapag nasobrahan sa paggamit nito, kaya huwag itong gamitin hanggang hindi pa kinukonsulta ang vet. Para naman sa herbal na disinfectant, maaring magpakulo ng dahon ng bayabas sa tubig at gawin itong tsaa na panghugas sa sugat hanggang sa paggaling nito.

Mga dapat Tandaan:

  • Ang maayos na paghuhugas ng sugat ng alagang aso ay makatutulong upang maiwasan ang impeksyon
  • Dahan-dahang punasan ang sugat bago ito Lagyan ng Betadine (Povine Iodine).
  • Ang Lavender essential oil ay maaring direktang ilagay sa sugat upang magsilbing disinfectant.
  • Para naman sa herbal na disinfectant, maaring pakulo ng dahon ng bayabas at gawin itomg panghugas sa sugat. Ang dahon ng bayabas ay kilala bilang isang mahusay na natural na antiseptic kaya ito ay makakatulong na mapabilis ang proseso ng paggaling ng iyong alagang hayop.

Ang agarang paggamot sa sugat ng alagang aso ay nagpapakita ng pagpapahalaga natin sa kanila. Sa pamamgitan nito ay maipaparamdam natin sa kanila ang pagmamahal na nararapat lamang na kabayaran sa kanilang katapatan sa atin bilang amo. Ang pag-tukoy sa mga gamot sa sugat ng aso ay ilan lamang sa mga paraan upang masigurong mabuti ang kanilang kalusugan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Anu-ano ang Mga Mabisang Mga Gamot sa Sugat ng Aso?
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

I-CLICK NGAYON! TRENDING!