Tungkol sa Amin

Ang DogInfos.com ay isang website sa wikang Tagalog na sadyang ginawa para makapagbigay ng libre ngnit tumpak at maaasahang mga impormasyon ukol sa pag-aalaga ng aso.

Dahil sa likas na hilig ng mga Pinoy sa pag-aalaga ng aso, parami nang parami ang nag-aalaga at nagpaplanong mag-alaga ng aso.

Pero katulad ng pag-aalaga ng iba pang uri ng mga hayop, ang pag-aalaga ng aso ay nangangailangan ng panahon, pera at wastong kaalaman para ito ay maging isang kasiya-siyang karanasan.

Layunin ng DogInfos.com na turuan an gating mga kababayan ng tama at responsableng pangangalaga ng aso. Tinatalakay sa website na ito ang lahat na mga impormasyong kakailanganin mo, mula tamang pakain, pagbabakuna, mga sakit ng aso at lunas hanggang sa pagtuturo sa iyong mga alaga ng simpleng mga tricks.