Sakit ng Aso: Ano ang Mga Sintomas ng Sakit ng Aso

Bilang tagapag-alaga na parang isang kaibigan at magulang ay masakit sa atin na makita na nasa isang sulok at may sakit ang ating mahal na aso. At dahil hindi naman sila nakakapag-salita, mahirap din sa atin na malaman kung ano ang kanilang dinaramdam. Huwag isa-walang bahala ang mga sintomas ng sakit ng aso! Kung mahal mo ang alaga mo, nararapat lamang na bigyan ito ng pansin bago pa mahuli ang lahat!

Mahalaga na malaman kung ano ang mga maaring maging problema at panganib sa pagkakaroon ng sakit ng ating alagang aso. Narito ang ilang uri ng sakit ng aso at sintomas nito.

Karaniwang sakit ng aso at mga sintomas nito

Narito ang ilan sa mga sakit ng aso na kailangan mong bantayan. Isinama rin naming ang karaniwang mga sintomas ng sakit sa aso.

Parvovirus o parvo: Ang number 1 na mamatay aso!

Ito ay isang viral disease na uma-atake sa bituka at puso ng mga aso. Ang mga alagang tuta ay dapat na ilayo sa aso na may sakit na parvo para hindi ito mahawa. Madalas na nangyayari ito kapag natapakan ng kanilang paa ang tae na kontaminado ng parvovirus.

Ang sintomas ng parvovirus ay ang mga sumusunod:

  • malubhang pagtatae
  • Dumi na may dugo
  • Pagsusuka
  • Mabilis na pangangayayat ng aso
  • Kawalan ng gana sa pagkain

Kadalasang ikinamamatay ng aso ang sakit na parvo. Maaari ding makaligtas sa kamatayan ang aso depende sa kundisyon at edad ng nito. Kung hindi masyadong malala ang mga sintomas ng parvo ay maari din itong makaligtas.

Gastric Torsion o bloat sa aso

Ito ay sakit ng aso na kung saan ay namamaga ang kanilang bituka. Ito ay lubhang mapanganip sa dahil pinipigilan/naiipon nito ang tubig at hangin sa kanilang tiyan anupa’t wala silang kakayahang magkasuka.

Ang mga sintomas ng bloat ay kaladasang biglaan ngunit mapapansin mo naman ito.

Narito ang ilang mga sintomas ng bloat sa aso na kailangan mong bantayan:

  • Kawalang kakayahang mag-suka. Makikita mong pilit na dumuduwal ang alaga mo ngunit wala naming lumalabas na suka
  • Hindi mapakali ang aso
  • Paglaki ng tiyan dahil sa pamamaga
  • Matinding paglalaway

Ang bloat ay maaring maging sakit ng karaniwang asong Pinoy. Pero kadalasang tumatama ito sa mga breed na tulad ng mga sumusunod:

  • Great Dane
  • Germans shepherd
  • Boxer
  • Labradors Retriever
  • Bloodshound
  • Weimaraner

Kidney Disease o renal failure sa mga alagang aso

Ang kidney disease ay maaring maranasan ng isang aso. Nangyayari ito dahil sa komplikasyon ng sakit na Lyme disease. Ang kidney disease ay bibihira kapag tuta pa lamang ang isang aso.

Ang chronic kidney disease o ang pang matagalang anyo ng sakit sa bato ng aso ay kadalasan nang hindi Maiiwasan. Para sa mga aso na nagmana ng ganitong sakit sa kanilang mga magulang, ito ay lubhang mapanganib.

Para maiwasan ang kidney disease sa aso, kailangang bantayan na hindi siya magkaroon ng sakit sa ngipin. Ang bakterya na nasa gilagid ng isang aso ay maaring pumasok sa bloodstream at makapinsala sa mga vital organs, katulad ng kidney.

Iba pang sakit ng aso

Ang heartworm disease ay isa ring sakit ng aso: nakukuha ito sa kagat ng lamok. Makabubuti na umiwas sa mga lugar kung saan mayroong ganitong epedimya. Sinasabing maaring magkaroon ng heartworm disease ang isang aso sa pamamagitan ng isang kagat ng lamok na may dala ng ganitong sakit.

Chocolate poisoning: Ang chocolate ay lason sa aso kaya iwasan na pakainin sila nito.

Ang aso ay maaari ring tamaan ng sakit na kanser: 50 porsyento ng aso na may edad 10 taong gulang ay maaaring tamaan ng kahit na anong uri ng kanser sa aso. Madalas, ito rin ang nagiging sanhi ng kamatayan ng mga aso na nasa ganitong edad.

Ang fungal disease ay sakit din ng mga aso. Ang sanhi ng ganitong sakit ay ang mga mikrobyong fungi na matatagpuan sa lupa. Ang ganitong mga mikrobyo ay maaaring makaapekto sa balat at buong katawan ng aso. Kapag umaabot ang impeksyon na sanhi nito sa atay ng aso, maaari itong mamatay.

Bigyan natin ng pansin ang mga sakit ng aso at ang mga sintomas nito, dahil nakasalalay ang kalusugan ng ating mahal na alaga. Wala man silang kakayahang magsalita ay mayroon naman silang kakayahan na iparamadam sa atin ang kanilang pagmamahal.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Sakit ng Aso: Ano ang Mga Sintomas ng Sakit ng Aso
3 (60%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

I-CLICK NGAYON! TRENDING!