Walang Gana Kumain ang Aso: Gamot sa Aso na Ayaw Kumain

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang sa tingin natin na maliit na bagay lamang na nangyayari sa ating mga alagang aso ay maaaring mauwi sa mga karamdaman. Sa artikulong ito, alamin natin kung ano ang gamot sa aso na ayaw kumain. Tatalakayin din natin kung ano ang mga bawal na pagkain ng aso at mga pagkain na pwede sa aso.

Gamot sa aso na ayaw kumain

Maaaring gamutin ang aso na ayaw kumain kahit na nasa bahay, maaaring bahagyang initin ang pagkain ng aso o kaya ay lagyan ng maligamgam na tubig ang kanilang pinggan para lumabas ang amoy ng pagkain at bumalik ang gana ng aso. Kapag lumipas na ang 24 oras at ayaw paring kumain ng aso ay kailangan na nitong patingnan sa isang veterinarian.

Ano ang sanhi kung bakit walang gana kumain ang aso?

Anorexia ang tawag sa walang ganang kumain, madalas din itong mangyari sa aso. Maliban sa ito ay sintomas ng iba’t ibang sakit ng aso, hindi pa lubos matuloy ang pinakadahilan ng kawalang ganang kumain ng isang aso. Ito ay maaring mauwi sa stress at pagmulan ng malubhang sakit. Ang pagkain ng kaunti o hindi pagkain ng aso sa loob ng 24 na oras ay magdudulot ng pagkakasakit sa tiyan ng aso. Sa ganitong kalagayan, dapat na patingnan sa doktor ang alaga para mabigyan ng nararapat na lunas.

Ang madalas na hindi pagkain ng aso ay maaring mauwi sa dipresyon at kanser.

Ano ang gagawin kapag ayaw kumain ng aso?

Ang aso ay karaniwan ng kumakain ng dalawang beses o higit pa sa loob ng isang araw. Kapag ang isang aso ay walang ganang kumain, kadalasan na mayroon itong nararamdaman .Nararapat lamang na alamin kung ano ang dahilan kung bakit ayaw kumain ng aso mo.

Narito ang mga maaari mong gawin para matulungan ang aso mong ayaw kumain:

  • Bigyan siya ng malinis na tubig na makukuha niya 24 oras bawat araw.
  • Maghain ng malansang pagkain tulad ng sardinas.
  • Bigayan siya ng paburito niyang ulam.
  • Bigyan siya ng sport drinks tulad ng Gatorade kung sa tingin mo ay kailangan.

Ang mga paraang ito ay first aid lamang. Kailangan mong makipag-appointment sa vet para matukoy niya ang sanhi ng hindi pagkain ng aso.

Mga bawal na pagkain sa aso

Narito ang mga bawal na pagkain sa aso na dapat iwasan:

  • Pagkain ng mayroong alcohol o alcohol mismo
  • Avocado
  • Chocolate
  • Coffee o mga pagkain na mayroong caffeine
  • Citrus
  • Coconut o pagkain na mayroong gata
  • Grapes o raisins
  • Macadamia nuts

Makabubuti na iwasan ang ganitong mga pagkain dahil ito ay makasasama sa iyong alagang aso.

Mga pagkain na pwede sa aso

Narito naman ang mga pagkain na pwede sa aso:

  • Itlog, kasama ang puti at dilaw na bahagi
  • Maberdeng gulay
  • Salmon
  • Karne ng baka o manok
  • Kanin o patatas
  • Tuna
  • Mga beans o anumang uri ng legumes

Ang masustansiyang pagkain na ito ay pagkain na pwede sa aso, at malaki ang maitutulong nito sa kanilang kalusugan.

Sa paggawa ng mga mungkahing ito ay makakatulong upang makaiwas sa mga panganib na maaring idulot ng kawalan ng gana sa pagkain ng ating alagang aso. Maibibigay din natin ang pinakamahusay na pangangalaga kung ikakapit natin ang mga payo sa artikulong ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Related posts