Alamin Ang 10 Sikat na Uri ng Aso sa Pilipinas

Ang artikulong ito ay tutulong sa iyo sa pagdidisisyon kung anong breed ng aso ang iyong susunod na aalagaan sa pamamagitan ng pag-alam sa kanikanilang unique na mga katangian. Narito ang sampung sikat na mga breed ng aso na pangkaraniwan sa Pilipinas.

Bakit tinatawag ang aso na man’s best friend?

Noon pa man ay ito na ang tawag sa mga aso. Ang aso para sa mga pet lover ay matalik na kaibigan, tagapagtanggol, at bantay sa bahay. Ang aso ay tinaguriang man’s best friend dahil nananatili ang katapatan nito sa mga amo nila hanggang sa sila ay mamatay. Ang relasyon na ito ay pinagtibay ng samahan, pagsubok, at mga alaala. Sa pagtagal ng pagsasama sa pagitan ng amo at aso, ang relasyon ay mas lalong lumalalim.

Mahigit 15,000 na taon na ng simulang pumasok ang aso sa buhay ng mga tao. Lalo itong napagtibay magmula na ang aso ay kinailangan ang tao para mabuhay. Kaya naman ang aso at tao ay mayroong malalim na ugnayan sa isat isa noon pa man. Ang pagkakaroon ng aso sa bahay ay nagsisilbing mata, tenga, at pang amoy sa lahat ng posibleng panganib na dala ng sanlibutan.

Alam mo ba?

Ang aso ay malamang na ang kaunaunahang species na inalagaan ng mga tao. Sa North America, nakahukay ng mga ebidensya na ang mga aso ay matagal nang kasa-kasama ng mga sinaunang tao sa pangangaso noon pa mang 10,000 BCE.

Bakit hindi matatawag ang lobo na man’s best friend gayung 99% ng kanyang DNA ay kagaya ng sa aso? Ang aso kasi kaiba sa mga lobo, mayroon silang tinatawag na charm sa mga tao. Ang aso ay kailangan ang tao para mabahuay. Kailangan nila ang pagmamahal, pagaalaga, at proteksyon na galing sa atin. Marami na ring pangyayari na napatunayan ng aso ang kanilang loyalty at pagiging mabait, maaalahanin sa kanilang mga amo. Mga pangunahing katangian na kailangan para tawagin silang man’s best friend.

Sa pinaka simpleng rason, tinatawag nating best friend ang aso dahil mahal natin sila. Itinuturing natin silang bahagi ng ating pamilya. Nakikipaglaro tayo sa kanila, nayayakap natin sila ng mahigpit, at naaasahan natin sila sa mga simpleng bagay. Ang pangunahing rason kung bakit tinatawag natin ang asong man’s best friend? Dahil ang aso ay hinayaan tayong maging kaibigan nila.

Narito ang 10 sikat na uri nang aso sa Pilipinas na maaari mong alagaan!

Walang ispesipikong pamantayan sa pagpili nitong 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas. Ang mahalaga ay kung ano ang hinahanap mo sa isang asong gusto mong alagaan. Ang pagpili ng asong makakasama sa bahay at aalagaan ay mahirap gawin. Mas mahirap ito hindi kagaya sa iniisip mo. May mga tanong ka munang kailangan mong sagutin bago pumili.

Halimbawa, Mahilig ka bang lumabas ng bahay o palagi ka lang nasa loob? May maliit bang bata sa loob ng bahay mo? Kailangan mo bang asong magbabantay sa bahay mo o asong kasakasama mo? Ang lahat na ito ay kailangan mong bigyan ng pansin.

Nagsagawa ako ng research tungkol sa mga aso at kanilang mga ugali. At kung naghahanap ka ng asong aalagaan, kailangan mong malaman ang 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas:

Beagle

Kung naghahanap ka ng asong makakasundo ng mga bata at pati ng matanda, ang beagle ang nababagay saiyo. Ang asong ito ay may pinong balahibo, malaking tenga, mapaglaro, at masiyahin. Ilan lamang sa mga katangian ng asong masarap alagaan. Isa pang pang maganda sa asong ito, madaling i-train ang beagle sapagkat matalino siya at masunurin.

Poodle

Ang cute ay mabalahibo at matalinong aso. Mapagmahal rin ang asong ito at kahit na maliit lamang sila, mahusay silang bantay sa bahay. Madali rin silang turuan ng ibat ibang tricks para sa aso dahil sa mataas nilang IQ. Gayunmapan, kailangan mo munang sanayin ang asong ito sa tao sapagkat likas silang mahiyain.

Pug

Big canine in a little body – ito ang madalas na tawag sa kanila. Dahil sa kahit maliit na uri ng aso ang Pug, meron silang maganda at proporsyonadong tindig kumpara sa ibang aso. Ang asong ito ay palakaibigan, mahilig makipag laro, at maaasahan. Ang isang hindi magandang katangian ng asong ito ay ang pagiging tamad o matakaw sa tulog. Kaya mabilis silang mapagod kung walang pagsasanay. 

Golden Retriever

Matalino at mabait na aso, iyan ang pangunahing katangian ng Golden Retriever. Isang uri ng aso na masarap kasama sa bahay. Masarap yakapin dahil sa makapal at kulot na balahibo nito. Alam mo bang napakadaling sanayin ng asong ito? Dahil yan sa napakataas niyang IQ. Isang katangian na hinahanap hanap ng maraming pet lovers.

Dalmatian

Ang asong ito ay likas na palakaibigan, isang katangian na hinahanap mo marahil. Gayunpaman, ang Dalmatian ay hindi nababagay sa lahat na gustong alagaan siya. Sapagkat ang asong ito ay nangangailangan ng grabeng atensyon. Kabilang diyan ang pagpapakain, ehersisyo, pakikisalamuha sa ibang tao, at marami pang iba.

Shih Tzu

Isa pa sa 10 uri ng sikat na aso sa Pilipinas ang Shih Tzu o little lion kung tawagin. Marahil dahil sa kanyang mahabang balahibo. Pero hindi ito mabangis kagaya ng leon. Sa katunayan, mabait, masayahin, at mahilig makipaglaro ang asong ito. Loyan din ang Shih Tzu. Mga katangian na siguradong hinahanap hanap ng kagaya mong pet lover.

Chihuahua

Kilalanin ang tinaguriang pinakamaliit na alagang aso. Ang Chihuahua ay isang uri ng aso na pasok sa tipo ng mga pinoy pet lover. Ang asong ito ay loyal, cute, maalaga, matalino. Madali rin silang turuan kahit maliit lamang sila. Mayroon itong  malalaking mata at malalaking tenga. Ngunit ang pinakamahalaga ay ang malaking pakinabang nito sa mga tao, lalo na sa kanyang amo.

German Guard Dog

Isa pa sa 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas ang German Guard Dog. Maraming pinoy ang nahihilig sa pagalaga nito dahil sa naiiba nitong katangian kumpara sa ibang aso. Ang asong ito ay matalas ang pagiisip at higit sa lahat matapang. Alam mo bang nakahanda kang ipagtanggol ng asong ito sa anumang uri ng panganib? Opo! at kahit na maging kapalit nito ang buhay nila.

Doberman

Ang asong ito ay nakakatakot sa unang tingin. Mayron itong malaki at makapal na boses. Ang Doberman ay mabilis gumalaw at matapang na bantay sa bahay. Kakaiba rin ang asong ito sa ibang 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas. Meron itong magandang tindig at maskuladong katawan na kagaya ng isang matipunong lalake. Idagdag mo pa ang kanyang bilis at loyalty mga katangiang hahanap hanapin mo sa isang alagang aso. Dahil sa matipuno at maskuladong katawan ng Doberman. Kailangan ng asong ito ang pagsasanay at workout.

Labrador Retriever

Maraming ang Labrador retriever, kabilang dito ang Black Laboratory, yellow Lab, Silver Laboratory, Chocolate Lab. Lahat ng ito ay nakahiligan na ng maraming mga Pilipino. Kaya naman hindi maitatanggi na kabilang ito sa 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas. Kagaya ng Doberman, ang Labrador Retriever ay mayroon matikas na tindig, maskuladong katawan at napakatalinong aso rin nito. Ginagamit ang asong ito sa mga importanteng aktibidad katulad ng pagliligtas ng buhay ng ibang aso. Ang asong ito ay mabait, loyal, at mapagmahal. Mga katangian na hinahap hanap ng mga pinoy na mahilig sa alagang aso.

Ilan pa sa mga kilalang breed ng aso na hindi nakasama sa 10 sikat na uri ng aso sa Pilipinas ay ang Siberian Husky, German Shepherd, Bulldog, Chow Chow, at Pomeranian.

Alam mo ba?

Ang mga aso ay simbolo ng katapatan. Kapag ang mga aso ay ginagamit sa literatura ng sinaunang mga kristyano, kadalasan itong lumalarawan sa pag-ibig at katapatan na hinding hindi nagmamaliw, tulad na lamang ng pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t isa.

Paano ang wastong pag-aalaga sa aso?

Bago ka mag-alaga ng aso sa loob ng iyong bahay, mahalagang malaman mo muna ang lahat na pangangailangan ng asong aalagaan mo. Kaya talagang importante na malaman mo ang ugali o karakter ng asong napili mong alagaan.

Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong ihanda sa pagalaga ng aso? Narito ang ilang paraan sa wastong pagalaga sa aso:

Bigyan ang aso ng masustansyang pagkain. Importante ito alang alang sa kalusugan ng aso. Para matulungan ka sa pagpili. Mas makakabuti ang komunsulta ka sa isang beterinaryo para mabigyan ka ng payo sa kung anong nararapat na pagkain para sa aso mo.

Pakinin mo ang aso sa regular na oras. Ang regular at nasa oras na pagkain ng alagang aso ay makakatulong sa kanyang kalusugan. Alamin mo sa unag pagpakain kung ano ang tamang dami ng pagkain ang kaya niyang ubusin.

Painumin ang alagang aso ng malinis na tubig. Katulad ng tao, ang aso ay kailangan rin ng tubig para mabuhay. Maglagay ka ng isang lalagyan ng tubig na maaari niyang inuman anumang oras.

Kumuha ka ng beterinaryo para sa aso mo. Mahalaga rin ito para sa kalusugan ng aso. Kapag may beterinaryo ang aso mo. Lahat ng mga katanungan mo tungkol sa kalusugan ng aso ay masasagot. Sa pamamagitan rin ng regular na checkup. Mababawasan ang pagaalala mo.

Ipabakuna ang aso.  Isa pa ito sa mga gawain ng beterinaryo. Mahalaga ang bakuna para sa aso. Hindi lang kalusugan ng aso ang maliligtas, maging na rin ang mga taong nasa paligid niya.

Narito ang ilan pa sa mga dapat mong gawin:

  • Painumin ng bitamina ang aso
  • Panatilihin ang asong malinis
  • Suklayan moa ng buhok at linisin mo rin ang ngipin
  • Huwag bibigyan ng kung ano-anong pagkain ang aso

Katulad ng tao, ang aso ay nangangailangan rin ng pagmamahal at atensyon mula sa atin. Kailangan nila ito para mabuhay. Kaya kung nakapili kana ng asong aalagaan mo, mahalin mo ito at ituring mong kapamilya, at susuklian ito ng doble ng alaga mong aso.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts