Parvo: Mga Sintomas at Gamot ng Parvo sa Aso

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mga kaalaman ukol sa mga sintomas at gamot sa parvo ng aso. Ano ba ang maaaring gawin kung may parvo ang iyong alaga? Basahin mo ang artikulong ito!

Ano ang parvo sa aso?

Ang canine parvovirus o mas kilala sa tawag na parvo ay isang lubhang nakakahawa at mapanganib na sakit para sa isang aso. Ang parvo virus ay mabilis na dumarami sa katawan at cells ng aso, at madalas na malubhang tinatamaan nito ay ang bituka ng iyong alaga. Inaatake din nito ang white blood cells kapag ang apektadong aso ay tuta pa lamang. Maaring tamaan ng virus ang mga kalamnan ng puso at maging sanhi ng kanyang kamatayan.

Maymga pag-aaral na nagsasabing ang tao ay maari din na magkaroon ng virus na ito. Ang parvo na maaring tumamasa tao ay tinatawag na parvovirus B19. Ang mga aso at pusa ay hindi maaaring magkaroon ng parvovirus B19 at hindi rin sila mahahawaan ng tao na mayroong ganitong uri ng parvo.

Sintomas ng parvo sa aso

Narito ang ilan sa mga sintomas ng parvo sa aso na kailangan mong bantayan:

  • Severe bloody diarrhea – malubha pagtatae na may kasamang dugo
  • Labis na panghihina
  • Kawalang ganang kumain
  • Mataas na lagnat
  • Mabilis na pagbagsak ng timbang
  • Pagsusuka

Gamot sa parvo ng aso

Dahil ito ay dala ng virus, ang sakit na parvo ay hindi nalulunasan ng anuman uri ng gamot. Kusa itong nawawala sa loob ng ilang araw o isang linggo. Pero may magagawa ka upang maibsan ang paghighirap ng iyong alaga dahil sa mga sintomas ng parvo.

Ang unang hakbang na maaari mong gawin ay ang maibalik ang mga nawalang electrolyte sa katawan ng iyong alaga, na maaring naging sanhi ng dehydration. Nangangailangan ito ng intravenous fluids (swero) na mayroong electrolytes. Antibiotic at anti-inflammatory naman ang ibinibigay para makontrol ang septicaemia. Antispasmodic drugs naman ang ibinibigay upang mapigilan ang patuloy na pagsusuka. Ang mga aso na mayroong parvo ay gumagaling naman kung magagamot kaagad. Ang pinakamabisang paaran ay unahing gamutin ang dehydration at ang severe sapticaemia. Sa mga kadahilanang hindi pa malaman, may mga breed ng aso na mas madaling maapektuhan ng sakit na parvo, samantalang hindi naman masyado sa ibang breed ng aso.

Paano maiiwaan ang parvovirus diseases o parvo

Ang pinakamabisang paaran para maiwasan ang parvo ay ang pabakunahan ang alagang aso. Ang mga tuta na nabakunahan ay kailangang mabigyan ulit ng booster kapag malaki na sila. Ang bakuna ay maaring ibigay mula sa unang taon ng aso hanggang sa pangatlong taon, depende sa bakunang ibinigay, mapasisigla nito ang antibodies ng tuta.

Ang pagkaaroon ng tamang kaalaman sa kung ano ang parvo sa aso, sintomas ng parvo at gamot sa parvo ay makatutulong sa atin na huwag masyadong mabalisa.

Bagaman wala talagang eksaktong gamot sa parvo ng aso, may mga magagawa ka upang maibsan ang paghihirap ng iyong alaga dahil sa mga sintomas na dala ng sakit na ito. Kapag natukoy mo nang maayos ang sakit na ito ay mabibigyan natin ito na karampatang lunas. Para lubos na mapangalagaan ang ating alaga ay makabubuting kumonsulta sa isang lisensyadong veterinarian.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Parvo: Mga Sintomas at Gamot ng Parvo sa Aso
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO