Ano ang Gamot sa Pulgas ng Aso?

Ang artikulong ito ay sasagot sa mga tanong may kauganayan sa pulgas ng aso tulad ng

  • Ano ang pulgas ng aso?
  • Ano ang gamot sa pulgas ng aso?
  • Ano maaring pamaatay pulgas sa bahay?
  • Ano ang gamot sa kagat ng pulgas sa tao?

May problema ka ba sa pulgas ng iyong alagang aso? Basahin mo ang artikulong ito!

Ano ang pulgas ng aso?

Ang aso ay isa sa mga hayop na kadalasang nagkakaroon ng pulgas. Ang pulgas ng aso (Ctenocephalides felis) ay karaniwang kulay brown o itim ang katawan ay kadalasang mahigit 1 hanggang 3 milimetro ang haba. Ang pulgas ay maliksi, kaya nilang tumalon ng halos 10,000 ulit na mas malayo kumpara sa haba ng katawan nila. Mayroon itong tatlong pares na mga binti dahilan lamang upang magkaroon ng kakayahang tumalon ng mahigit dalawang talampakan. Flat din ang kanilang katawan na nakakatulong upang mas madaling makagalaw sa katawan ng aso.

Ano ang gamot sa pulgas ng aso?

Narito ang ilan sa mga gamot sa pulgas ng aso na pwede mong subukan:

Mga kemikal na pamatay pulgas sa aso

Sa kasamaang palad, ang pulgas ay hindi maalis ng basta basta kaya walang madaliang paaran upang ito ay matangal sa katawan ng alagang aso. Gayunpaman, may mga pills at iba’t ibang spot-on chemical treatments ang napatunayang nakakatulong upang mapabilis ang pagpuksa ng pulgas sa mga alagang hayop. Magtanong sa pinakamalapit na pet store o vet supply para sa kanila.

May mga tableta na pag-ipinainom sa alagang aso. Sa loob ng halos 4 na oras ay mamamatay halos 90% na pulgas. Ang mga pulbos at pampaligo naman ay umaabot ng ilang araw para umipekto. Ang ilan sa mga ito ay para sa mga itlog ng pulgas lamang samantalang ang iba ay sadyang ginawa para mga dultong pulgas lamang. Suriin mo muna ang produkto bago ka bumili.

Pamatay pulgas ng aso na hindi gumagamit ng kemikal

May ilan ding shampoo na pamatay pulgas na ibinibenta sa mga pet shop na lubos na epektibo upang matangal ang pulgas . Ngunit kailangan ding isaalang-alang kung kaya ng alaagang aso na manatiling nakababad sa tubig sa loob ng 10 minuto.

Ang pag-paligo ng maligamgam na tubig ay makatutulong upang mamatay ang pulgas. Gumamit ng flea comb upang maalis ang mga pulgas sa alagang aso.

Pamatay pulgas sa bahay

Ang itlog at larva ng pulgas ay kadalasang tumitira sa mga furniture at higaan ng iyong alagang aso. Ang mga ito ay maliit na bahagi lamang ng buong populayson ng pulgas na ginagawang bahay ang iyong tahanan.

Mga paraan upang puksaing ang pulgas sa iyong bahay at bakuran:

  • Walisang mabuti ang tiles o sahig, gumamit ng vacuum sa carpet, basahan sa mga furniture.
  • Gumamit ng Carpet Spray: gustong- gusto ng mga pulgas sa madidilim na lugar, kaya magspray sa ilalim ng furniture at sa mga bitak ng pader, dingding o sahig.
  • Mag-spray sa iyong bakuran: patayin ang mga pulgas sa iyong bakuran bago ito makapasok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng iyong sapatos, damit o alaga.

Gamot sa kagat ng pulgas sa tao

Ang pagkakaroon ng red spots sa paligid ng mismong ginagatan ng pulgas at ang matinding pangangati ay ilan lamang sa mga masamang naidudulot ng pulgas sa tao. Madalas ang mga binti at paa ang target ng pulgas sa tao.

Kung ikaw ay nakagat ng pulgas , ito ang ilan sa na maari mong gawin:

  • Hugasang mabuti ang bahagi na kinagat ng pulgas
  • Gumamit ng antiseptic at lagyan ito ng icepack
  • Tiising huwag kamutin ang mismong kagat ng pulgas
  • Pweding gumamit ng lotion upang mabawasan ang pangangati
  • Kumonsulta sa pharmacist tungkol sa antihistamine na pwede mong mabili over the counter

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Pulgas ng Aso?
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO