Garapata ng Aso: Ano Ang Mabisang Gamot sa Garapata ng Aso?

Ano ba ang unang pumapasok sa isip mo kapag narinig mo ang salitang garapata? Nakakadiri? Makati? Ang artikulong ito ay tatalakay sa mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa garapata, garapata ng aso, pagpuksa sa garapata sa bahay, at marami pang iba.

Ano ang sanhi ng garapata sa aso

Garapata ng aso? Ano ba ang gamot sa garapata ng aso? Bago mo malaman ang sagot sa iyong mga katangungan, kailangan mo munang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa garapata, saan ba ito galing, at kung ano ang sanhi nito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Ang garapata o tick sa ingles ay isang uri ng kulisap, kuto o gagamba na nabubuhay sa ibabaw ng katawan ng mga hayop at sumisipsip ng dugo ng mga ito. Karaniwan itong nakikita sa mga aso. Ang parasitong ito ay kulay kape at ang kanilang pangunahing pagkain para mabuhay ay ang pagsipsip ng dugo sa mga hayop partikular na sa mga aso. Ang garapata ay mapanganib sapagkat maaari itong magdala ng ibat ibang sakit sa pamamagitan ng pagsipsip nito sa ibat ibang hayop.

Ang garapata ay naninirahan sa mga kakahuyan, paborito nito ang madumi, mamasamasa at maalinsangang lugar. Maaaring magkaroon ng garapata ang iyong alagang aso kapag mahilig itong mahiga sa maduduming higaan at kapag madalas itong makisalamuha sa ibang mga hayop. Ang mga garapata ay palipat lipat, at dahil sa mabilis at marami sila kung mangitlog, mabilis rin ang kanilang pagdami.

Gamot sa garapata ng aso: Mabisang gamot sa garapata ng aso

Garapata killer ba ang hanap mo? Katulad ng nabanggit ko, ang garapata ay maaaring magdala ng isang delikadong sakit kapag naipasa niya ito sa iyong alagang aso. Kaya huwag itong isawalang bahala, gamutin kaagad ito upang hindi na ito dumami. Ano ang gamot sa garapata ng aso? Ano ang mabisang gamot gamot laban dito? Magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa at malalaman mo ito.

  • Frontline – Ang frontline ay rekomendado ng mga beterinaryo, isa itong uri ng spot-on treatment. Ilagay lamang ang frontline sa batok ng iyong alagang aso at maghintay ng ilang araw hanggang sa mawala ang lahat na garapata nito. Nabibili ito sa mga pet shop o kaya veterinary shop sa halagang 350 pesos pataas.
  • Wash out shampoo – Ang totoo, ang wash out shampoo ay isang treatment para sa mga fighting cocks o panabong na manok. Ngunit puwede rin ito sa iyong alagang aso, sa katunayan, mas mabisa pa ito para sa mga aso. Maglagay ng isang sachet ng shampoo sa isang balde ng tubig at haluin ito. Ilubog at ibabad ang iyong aso sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos ay banlawan ito ng malinis na tubig matapos ang pagbabad. Mabibili mo ito ng 15 to 20 pesos sa mga tindahan ng feeds sa manok.
  • Shield guard – Isa itong uri ng sabon na pantanggal sa garapata ng aso. Gamitin itong sabon araw-araw tuwing maliligo ang iyong alaga.
  • Ordinary alcohol – Alam mo bang ang pagamit ng alcohol sa iyong alagang aso ay mabisang pantanggal ng garapata? Paano ba gamitin ito? Maghanda ng alkohol at isang malinis na tela. Pahigain ang aso sa sahig, hawakan sa isang kamay ang alkohol habang ang isa mo namang kamay ay nakadiin sa leeg ng iyong alaga. Magingat lamang na hindi ito masaktan para hindi mangagat. Maingat na ibuhos ng paunti unti ang alkohol sa balat ng iyong aso. Kapag nasipsip ng garapata ang alkohol na iyong ibinuhos ay lulubo ang kanilang katawan at sila ay unti unting mamamatay. Tandaan: iwasan ang aksidenteng mainom ng iyong aso ang alkohol dahil maaari itong makasama sa kanyang kalusugan.

Garapata sa bahay: Pamatay garapata sa bahay

Nagtataka ka ba kung bakit pabalik balik ang mga garapata sa iyong alagang aso? Baka naman kasi nasa loob lamang ng iyong bahay ang pugad ng mga ito? Katulad ng nasabi ko, ang madumi at maalinsangan na lugar ang paboritong pamahayan ng mga garapatang ito, hindi kaya ito rin ang katangian ng bahay mo? Para mawala ng tuluyan ang mga parasites na katulad ng garapata, napakahalaga ang paglinis sa iyong bahay at maging sa kulungan ng iyong aso. Walang silbi ang paggamot mo sa iyong alaga kung hindi mapupuksa ang ugat at pinagmulan nito.

Ano ang pamatay garapata sa bahay? Ang kalinisan ang pinakasagot. Ano ba ang mabisang paraan na puwedeng gawin? Una, puwede kang gumamit ng vaccum cleaner, linisin ang buong bahay gamit ang vaccum cleaner, sa pamamagitan paggamit nito ay mahihigop ang lahat ng mga garapata na nakatago sa iyong bahay, sa dingding, kisame, silong, at pati sa iyong higaan na paborito nitong pamugaran. Pagkatapos ay sunugin ang lahat ng nahigop ng vaccum cleaner para maiwasan ang pagtakas ng mga garapata.

Pwede rin gumamit ng pestesidyong may kemikal, mas mabisa ang ganitong paraan ngunit magingat lamang sa pag spray nito sa loob ng iyong bahay sapagkat ito ay isang nakalalasong kemikal na maaaring makasama sa iyong kalusugan, lalong lalo na sa mga bata. Kung ang iyong bahay ay may halamanan na puwedeng pamahayan ng mga garapata, mas makabubuti rin ang gamitan ito ng pestesidyo. Panatilihin lamang ang kalinisan sa iyong bahay upang makaiwas sa ganitong parasito.

Wastong pag-aalaga sa aso: Mabisang pantanggal ng garapata

Ang pinakamabisang pantanggal ng garapata sa aso ay ang wastong pag-aalaga. Paano ba ang wastong pag-aalaga? Sundin lamang ang mga sumusunod:

  • Pakainin ng tama ang iyong alaga, mas maganda rin kung bibigyan ito ng mga bitamina para lumakas ang resistensya.
  • Paliguan ang iyong aso araw-araw at ugaliin ang paggamit ng sabon at shampoo.
  • Sanayin ang iyong aso sa pag exercise. Maglakad lakad kasama ang iyong aso at ipasyal ito. Makakatulong din ang paraang ito para hindi ma stress ang iyong alaga.
  • Iwasang ma dehydrate ang aso kapag ito ay may sakit. Natural sa aso ang matamlay sa pagkain kapag hindi maganda ang pakiramdam nito, ngunit huwag na huwag itong hayaan na hindi uminom ng tubig.
  • Bigyan ng immunization at anti-rabbies ang iyong alagang aso.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Garapata ng Aso: Ano Ang Mabisang Gamot sa Garapata ng Aso?
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

I-CLICK NGAYON! TRENDING!